Tuesday, November 27, 2007

SUNGIT



Bwisit!

ang pulang likido ng buwan,

ang sakit ng puson,

ang kati ng dibdib


Bwisit!

ang buhok na matigas suklayin,

ang kukong mahirap linisin,

ang katawang maselan


Bwisit!

ang mahinang damdamin,

ang matang iyakin,

at pusong sakitin

No comments: